Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Power supply balik na sa ilang bayan sa Batanes

$
0
0

UNTI-UNTI nang bumabalik sa normal ang pamumuhay ng mga taga-Batanes kasunod ng paghagupit ng bagyong Odette.

Ito ang kinumpirma ni J-anne Carinogan ng Office of the Civil Defense (OCD) Region 2.

Sinabi ni Carinogan na agad naayos ang mga nasirang kabahayan matapos tangayin ng malakas na hangin dulot ng bagyong Odette dahil nagtulong-tulong ang mga residente sa pagkumpuni ng mga ito.

Aniya, buhay na buhay pa rin ang “Bayanihan” system sa Batanes kaya agad nakakabangon ang mga mamamayan doon kahit palagi silang binabayo ng mga kalamidad.

Idinagdag pa ni Carinogan na pati ang takbo ng negosyo na naapektuhan sa naranasang blackout ay bumabalik na rin sa normal na operasyon matapos maibalik ang suplay ng koryente sa bayan ng Itbayat at Sabtang, Batanes.

Nabatid na P13.5 million ang kakailanganing pondo ng Batanes Electric Cooperative para ganap na maipaayos at maibalik ang suplay ng koryente sa buong probinsya na sinalanta ng bagyong Odette.

Sa inisyal na datus ng OCD, umaabot sa mahigit P14.4 million ang napinsala sa sektor ng agrikultura habang P65.4 million sa imprastraktura.

Patuloy naman ang pagkakaloob ng tulong ng pamahalaan sa mga naapektuhang residente.

The post Power supply balik na sa ilang bayan sa Batanes appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>