SUGATAN ang isang sundalo matapos ma-hit and run sa Pili, Camarines Sur.
Kinilala ang biktimang si Staff Sgt. William Nopia.
Nagmamaneho ang biktima ng motorsiklo nang mag-overtake sa isang sasakyan subalit hindi napaghandaan ang humaharurot na kasalubong na van.
Sa lakas ng pagsalpok ng van sa motorsiklo ni Nopia, natanggal ang bumper ng van habang tumilapon naman sa kalsada ang biktima na nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan.
Kaagad nadala sa ospital ang biktima habang tumakas naman ang nagmamaneho ng van.
The post Sundalo nabiktima ng hit and run appeared first on Remate.