Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pagkatay ng aso sa bansa, tututukan ng BAI

$
0
0

MATAPOS bansagan ng International community ang Pilipinas na kumakain ng karneng aso bagamat limitado naman ito sa ibang panig ng bansa, nanawagan ang mga ito sa gobyerno partikular sa Bureau of Animal Industry (BAI) na gumawa ng hakbang upang masawata ito para makaiwas ang mga tao sa kontaminasyon mula sa sakit na rabies.

Kung pagbabasehan aniya ang mga pagsalakay at pagkumpiska ng mga pulis at animal welfare NGO, sinabi ng Animal Kingdom Foundation, Inc., na mahigit anila sa 40, 000  mga aso ang kinakatay kada taon at ginagawang “asucena” at local delicacy sa restaurants sa Metro Manila.

Ang mga nasabing aso anya ay nanggagaling pa sa katimugang bahagi ng Manila at ibinibiyahe sa Baguio City at  Benguet Provinces bago itinitinda ng restaurants sa kanilang mga kustomer bilang “asocena”.

Ayon kay Atty. Heidi Marquez a-Caguioa, Legal Counsel at Officer ng  Animal Kingdom Foundation, matindi  aniya ang pahirap na inaabot ng aso mula sa pinagbilihan nito at ang pagkakarga sa mga van dahil halos 90% ng mga hayop  ay mga patay na bago pa man makarating sa kanilang destinasyon sa Baguio.

Dahil dito nanawagan si Dr. Rubina Cresecio, Director ng BAI ng isang forum bilang pagselebra ng Animal Welfare week mula Oct. 1 – 7  2013  kasama ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang masolusyunan ang isyu at makagawa ng mga hakbang para mahigpit na maipatupad ang Animal Welfare Law.

The post Pagkatay ng aso sa bansa, tututukan ng BAI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129