POSIBLENG mabibilang na lang sa daliri ang puwersa ng kalaban ng awtoridad nang sumuko pa sa tropang sundalo ang may 40 miyembro ng MNLF-Misuari faction pasado 4 ng Huwebes ng madaling-araw, sa ika-18 araw ng Zamboanga standoff.
Kabilang sa mga sumuko ang limang menor-de-edad na nagsabing nalinlang lang sila kaya napabilang na pumunta sa lungsod.
Marami sa kanila ang may sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at may senyales din na nahulog ang kanilang mga katawan dahil sa kakulangan ng pagkain.
Ayon sa isa sa mga suspek na si Elmar Madras, pinangakuan sila ng trabaho ng kanilang commander kaya pumayag siyang pumunta sa Zamboanga City.
Ani Madras, kinailangan nilang sumuko dahil wala na silang bala at limang araw na rin sila walang pagkain.
Sa ulat, may grupo ng MNLF ang nagtaas ng puting bandera kaninang madaling bagamat matipid ang AFP sa pagdetalye sa kung kaninong grupo ng MNLF ang sumuko.
Nagreklamo naman ang iba, dahil binugbog pa umano sila ng militar bago sila dinala sa Zamboanga City Police Office.
Samantala dinala na sa San Ramon Penal Colony ang 42 MNLF na sumuko kahapon para sa kaukulang disposisyon.
The post UPDATE: 40 pang MNLF, sumuko na appeared first on Remate.