DAHIL sa namataang sama ng panahon, inaasahan ang pag-ulan sa Central Luzon at mga karatig lugar na una nang naapektuhan ng habagat nitong nakaraang araw.
Ayon sa PAGASA, may konsentrasyon pa rin ng ulap ang naturang namumuong sama ng panahon at maaaring maghatid ng higit sa normal na buhos ng ulan.
Kahapon, huling namataan ang LPA sa layong 210 kilometro sa kanluran ng Subic, Zambales.
Maliban sa Central Luzon, posible ring ulanin ang Metro Manila, Northern at Southern Luzon regions.
Ayon sa PAGASA, asahan din ang pag-uulan sa Coron, Palawan; Occidental at Oriental Mindoro dulot naman ng thunderstorm.
The post LPA magpapa-ulan sa Central Luzon appeared first on Remate.