MATAPOS na malason sa kinaing nilagang baboy, wala pa ring malay ngayon sa ospital ang 30 mga mag-aaral, walong guro at isang janitor sa isang paaralan sa Albay.
Batay sa impormasyon, bigla na lamang nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka ang mga estudyante ng Mayon Elementary School sa Brgy. Buang sa lungsod ng Tabaco matapos na makakain umano ng saging na may kalboro o carbide na hinalo sa nilaga.
Hinihintay na lamang ng mga doktor ang resulta sa isinagawang eksaminasyon sa mga biktima para maditermina ang tunay na dahilan ng kanilang mga naramdaman.
Napag-alaman na ang mga biktima ay pawang mga kalahok sa isang District Meet sa nasabing lungsod.
The post 30 mag-aaral at guro nalason appeared first on Remate.