RIZAL – Patay ang 35 anyos na construction worker matapos na pagbabarilin ng kanyang kaibigan nang pagtangkaan din siyang patayin kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Rodriguez.
Kinilala ni Rodriguez chief of P/Supt. Arthur Masungsong, ang biktima na si Shoji Satuna “Warang”, residente ng Blk 3, Lot 152, Phase 1C, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, ng nasabing bayan.
Tumakas naman ang suspek na si Rodel Torre “Boboy Kosa”, tricycle driver, kaibigan at kapitbahay ng biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:00 ng hatingggabi sa Blk. 4, Phase 1C, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.
Nabatid na nag-inuman ang mag-kaibigan kung saan ay inabot ito ng hatinggabi at nang parehong malasing ay nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa pamamaril.
Ayon sa mga residente narinig pa nilang nagmamakaawa ang biktima sa kanyang kaibigan na huwag ituloy ang planong pagpatay sa kanya at nang papatakas na ang suspek ay narinig naman nilang sumigaw pa ito ng; “Ma patawad, patay na si Warang, uunahan niya ako kaya inunahan ko na siya.”
Narekober sa crime scene ang isang fire cartridge ng caliber .38 revolver na baril.
The post Kaibigan patay kay Kosa appeared first on Remate.