DAKIP ang Barangay Kagawad, dating Chairman at estudyante habang sumisinghot ng shabu sa Caloocan City, Huwebes ng hapon, Setyembre 26.
Nakilala ang mga nadakip na sina Kagawad Rodolfo Cabrera, 38 dating Chairman Rafael Oxales, 40 at Justin Callo, 19 pawang ng Barangay 181, Pangarap Village ng lungsod.
Sa ulat, dakong 1:00 ng hapon nang maispatan ng mga pulis ang mga nadakip habang sumisinghot ng shabu sa loob ng poultry sa nasabing lugar.
Lumalabas na ginagamit singhutan ng shabu ang nasabing lugar na naging dahilan upang matyagan hanggang sa maaktuhan ang tatlo.
The post Kagawad, ex-chairman at estudyante, dakip sa pot-session appeared first on Remate.