PATAY ang dalawang lalaki habang kritikal ang isa pa nang ratratin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sa Caloocan City Huwebes ng gabi, Setyembre 26.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Ralph Gurrero, 29 ng Tabon St. habang dead on arrival sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Conrado Tabile Jr., 24, ng Sampaguita St., pawang ng Malaria ng lungsod.
Inoobserbahan naman sa nasabing ospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Richard Matias, nasa hustong gulang ng Tabon st., Malaria ng lungsod.
Sa ulat, alas-11 ng gabi, nakatayo si Tabile sa Tabon st., Malaria ng lungsod nang sumulpot ang mga suspek at pinaulanan ng mga bala ang una.
Nahagip din ng mga ligaw na bala ang nag-iinuman na sina Gurerro at Matias malapit sa lugar ng pinangyarian.
Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala sa EAMC sina Tabile at Matias habang napuruhan si Gurerro.
Inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril.
The post 2 kelot niratrat sa Caloocan, patay appeared first on Remate.