Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Comelec-gun ban simula na mamayang 12-01 am

$
0
0

PINAALALAHANAN ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko hinggil sa pormal nang pagsisimula ng gun ban sa bansa bukas, o mamayang madaling-araw, alas-12 kaugnay ng October 28 Barangay elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., ang gun ban ay magsisimula alas-12:01 mamayang madaling-araw kasabay nang pormal na ring pagsisimula ng election period na inaasahang magtatagal hanggang sa Nobyembre 12, 2013.

“Please be reminded that tomorrow, September 28, 2013, is the start of the election period. It will last until November 12, 2013,” tweet ni Brillantes, gamit ang Twitter account na @ChairBrillantes.

“Reminder: Gun ban starts tomorrow,” paalala naman ni Comelec Commissioner Al Parreno, sa kanyang Twitter account na @al_parreno.

Kaugnay nito, sinabi ni Brillantes na dahil sa gun ban ay dapat nang asahan ang pagkakaroon ng mga checkpoints sa mga pampublikong kalsada sa buong bansa.

Alinsunod sa gun ban, suspendido ang mga permit to carry na inisyu sa mga gun holder at mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga armas sa labas ng tahanan.

The post Comelec-gun ban simula na mamayang 12-01 am appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>