Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Dalagita ginahasa na, pinatay pa sa sakal

$
0
0

KARUMAL-DUMAL ang sinapit ng 24-anyos na dalaga matapos halayin at patayin sa Brgy. Cauayan, Pototan, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si May Ann Gumban, residente ng nabanggit na lugar at nagtatrabaho bilang receptionist sa isla ng Boracay,  natagpuan ng kanyang pamilya sa liblib na lugar na hubo’t hubad at patay na.

Ayon sa tiyahin ng biktima na si Gng. Jean Dalla, noong nakaraang araw lang nang umuwi sa kanilang lugar ang biktima kung saan namasyal ito sa bahay ng kanyang lola, tinatayang nasa isang kilometro ang layo sa kanilang bahay.

Nang lumalim na ang gabi, hindi na nakauwi ang biktima subalit inakala lang ng kanyang magulang na natulog ito sa bahay ng kanyang lola o sa kanyang boyfriend sa katabing barangay.

Subalit nang kanilang inusisa at nalaman na wala doon ang biktima, doon na nila ito hinanap at kinaumagahan ay natagpuan siya na wala nang buhay at walang saplot, tinatayang nasa 150 metro ang layo sa kanilang bahay.

Ang biktima ay pinatay sa sakal kung saan nasa leeg pa ang baging at sleeveless shirt, na ginamit sa pagsakal habang nasa tabi naman ng bangkay nito ang kanyang mga gamit.

Ang katawan ng biktima ay puno ng pasa mula sa kanyang mukha, dibdib, braso at dalawang hita.

Pinaniniwalaang hinarang ang biktima ng nasa tatlong suspek habang pauwi na.

Napag-alaman na base sa paglalarawan ng tiyahin nito, maputi at maganda ang biktima.

May suspek na ang pamilya ngunit tumangging magbigay muna ng pangalan.

The post Dalagita ginahasa na, pinatay pa sa sakal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>