Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ginang sinuwag ng bus lasog

$
0
0

PATAY ang isang ginang matapos suwagin ng pampasaherong bus habang tumatawid sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang umaga, Setyembre 27, 2013.

Kinilala ang biktima na si Merly Caranto, 46 ng Waterhole, Litex Road Brgy. Commonwealth, QC.

Si Caranto ay namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente dahil sa matinding pinsala sa katawan matapos salpukin ng pampasaherong bus.

Sumuko naman ang suspek na si Richard Corpus, 29, driver ng Fermina Express bus (UWD-682), ng Barangay Calamansihan, Caloocan City.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Nelson Apostol ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 5, naganap ang insidente alas-5:00 ng umaga sa Commonwealth Avenue, tapat ng Don Fabian Village, Brgy. Commonwealth, QC.

Sinabi sa ulat na mamimili sana sa Comonwealth Market ang biktima kasama ang anak na si Richard, 26 at habang tumawid sa Commonwealth Avenue nang sumulpot ang humahagibis na killer bus at natumbok si Caranto.

Ayon sa driver ng bus na si Corpuz, bigla na lamang tumawid ang mag–ina at hindi na siya nakapagpreno dahilan para masagasaan ang biktima habang nakaiwas naman sa aksidente ang kasamang anak.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek.

The post Ginang sinuwag ng bus lasog appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129