MAHIGPIT na binabantayan ng PAGASA ang panibagong low pressure area (LPA) na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsability (PAR) kahit pa nakalabas na ng PAR ang bagyong Paolo.
Ayon kay Fernando Cada, weather forecaster ng PAGASA, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 900 kilometro sa silangan ng Northern Mindanao at sa sandaling magiging bagyo ay tatawagin itong bagyong Quedan.
Anya, ang bagyong Paolo naman ay inaasahang tatagal pa sa karagatang sakop ng Pilipinas hanggang Linggo kaya inaasahang magdudulot pa ito ng mga pag-ulan dahil sa nahahatak na habagat.
Sinabi ng PAGASA na 11:00 ng umaga kahapon, huling namataan si Paolo sa layong 290 kilometro ng kanluran ng Subic, Zambales taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.
Si Paolo ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras.
Ngayong Sabado, si Paolo ay inaasahang nasa layong 445 kilometro kanluran ng Iba, Zambales at nasa layong 610 kilometro kanluran ng Iba Zambales.
The post Panibagong LPA binabantayan appeared first on Remate.