DISMAYADO ang isang turistang Hapon sa ipinatutupad na seguridad sa Maynila lalo na sa bisinidad ng Ermita matapos maholdap ng riding in tandem kagabi.
Personal na nagreklamo ang biktimang si Takuya Katsuyama, pansamantalang nanunuluyan sa Room 901 Pearl Garden Hotel sa Ermita, Maynila sa MPD-General Assignment Section kaninang umaga.
Ayon kay Katsuyama, alas-9 ng kagabi nang holdapin siya ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Pedro Gil kanto ng Roxas Boulevard, Ermita, Maynila.
Nabatid na umaabot sa P1 milyon ang natangay ng riding in tandem sa kanya.
Ayon pa sa biktima, mabibigyan sana ng proteksyon ang mga dayuhang turista kung ang nakatalagang mga tourist police ng MPD ay nagpapatrulya sa lugar.
The post Turistang Hapon natangayan ng P1 milyon appeared first on Remate.