DALAWANG fire fighter volunteer na hindi na nakuha ang mga pangalan ang dinala sa ospital matapos ma-suffocate sa naganap na sunog sa Caloocan City, Miyerkules ng hapon, Nobyembre 20.
Nasa maayos nang kalagayan ang mga biktimang dinala sa Manila Central University hospital.
Sa ulat, alas-8:10 ng umaga nang magsimulang masunog ang isa sa limang pintong apartment sa Lower Pas St., Morning Breeze Subd., na pag-aari ng isang Portefin Bagsic.
Nadamay ang mga kadikit na pinto kung saan kasamang rumesponde ang mga biktima subalit nahilo sa makapal na usok na nalanghap na naging dahilan upang dalhin sa MCU.
Lumalabas na faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog na naapula alas-9:14 ng umaga.
The post 2 bumbero sugatan sa sunog sa Caloocan appeared first on Remate.