Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Anak ng utol tinangay, ginahasa ng binata

$
0
0

KALABOSO ang isang binata matapos tangayin at halayin ang neneng na anak ng kapatid sa ama sa Valenzuela City, Miyerkules ng hapon, Nobyembre 20.

Kinilala ang suspek na si Aries Lozano, 32, ng Valdez Cmpd., Paso de Blas, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-3 ng hapon noong Oktubre 30, 2013 nang tangayin ng suspek ang anak ng kapatid sa ama na edad 6 sa nasabing lugar.

Lumalabas na dinala ng suspek ang biktima sa bukid sa likod ng Puregold sa Paso de Blas at doon hinalay.

Matapos ang panghahalay ay isinama ng suspek ang nene sa paglalakad hanggang sa makarating sa Cubao, Quezon City saka pinagpulot ng mga basura upang mabenta at makakain.

Hindi nagtagal ay napunta ang suspek at biktima sa Luneta kung saan may nag-alok ng trabaho sa una at ipinakikilalang anak ang biktima.

Alas-4:30 kahapon nang malaman ng ina ng biktima na nagtatrabaho na sa Androbs San Miguel warehouse sa Waling-Waling St., Potrero, Malabon City ang suspek dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis at ipinaaresto si Lozano.

Sinabi pa ng biktima na pinagbantaan siyang papatayin ng suspek kapag tumakas kaya walang nagawa ang biktima kung hindi sumunod na lang sa mga gusto ng suspek.

The post Anak ng utol tinangay, ginahasa ng binata appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129