LOMOBO na sa 5,670 ang bilang ng kumpirmadong namatay sa super typhoon Yolanda, 24 araw matapos manalasa sa Visayas.
Sa 6 am bulletin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula 5,632 nadagdag sa listahan ng mga namatay ang dalawang labing narekober sa Biliran at umakyat sa 4,833 na bangkay na narekober sa Leyte.
Nasa 1,761 pa rin ang pinaghahanap habang 26,233 ang sugatan.
Umakyat na sa P34,366,518,530 ang halaga ng pinsala ng bagyo sa agrikultura at imprastraktura.
Tuloy-tuloy naman ang ayuda ng pamahalaan sa mga sinalantang residente kung saan aabot na sa P844 milyon na ang halaga ng relief assistance na ang naipapamahagi.
Gumugulong na ang rehabilitasyon sa mga lugar sa Leyte at Samar kung saan itinatayo na ang mga bunkhouse para sa mga binagyo.
Ibinabalik na rin ang suplay ng tubig at kuryente sa ilang lugar sa ngayon.
Nagbalik-klase na kanina ang mga estudyante sa mga sinalantang lugar.
The post UPDATE: Patay kay ‘Yolanda’ pumalo sa 5,670 appeared first on Remate.