UMABOT sa 120 bangkay pa ang natagpuan ng awtoridad na palutang-lutang sa San Juanico Strait sa Leyte na biktima rin ng super typhoon Yolanda.
Kinumpirmang 10 sa mga nakuhang bangkay ay pawang Caucasians.
Ang nasabing mga bangkay ay nakita ng awtoridad makaraang magsagawa ng aerial survey ang humanitarian team ng China.
Sinasabing kada-araw ay hindi bababa sa 35 bangkay ang narerekober ng operatiba sa ilalim ng mga debris at ang iba ay lumulutang sa tabing-dagat sa Tacloban.
Umaabot na sa 2,172 ang naitalang patay sa Tacloban City pa lamang habang 737 pa rin ang nawawala.
Sa ngayon nasa temporary burial site pa ang mga natagpuang bangkay.
The post 120 pang bangkay lumutang sa San Juanico Strait appeared first on Remate.