NATUKLASAN na carnap ang dalang sasakyan ng isang lalaki matapos magpakita ng kahina-hinalang lisensiya ang una makaraang masita ng mga pulis sa Caloocan City, Lunes ng hapon, Disyembre 2.
Nahaharap sa kasong carnapping si Joselito Sedigo, 33, ng Malungay St., Las Piñas City.
Sa ulat, alas-2 ng hapon nang masita ang suspek habang dala ang Nissan Urban (TOJ-364) sa Teodoro St., nasabing lungsod.
Nang hanapan ng lisensiya ay naglabas ang suspek na nakapangalan sa isang Richard Quilapio subalit nagduda ang mga pulis na peke na naging dahilan upang imbitahan sa presinto upang maimbestigahan.
Natuklasan ng mga pulis na tinanggal ang chassis number ng sasakyan hanggang sa matuklasan na carnap na naging dahilan upang ikulong at sampahan ng nasabing kaso ang suspek.
The post Carnapper huli sa oplan sita sa Caloocan appeared first on Remate.