PINATIMBUWANG ng kilabot na riding-in-tandem ang isang election officer nang pagbabarilin sa North Cotabato kaninang umaga, Disyembre 3.
Dead-on the spot sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at katawan ang biktima na si Ted Sispon, assistant election officer ng Parang, Maguindanao at residente ng Barangay Binuligan, Kidapawan City .
Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pananambang pero isa sa sinisilip na motibo ay may kaugnayan sa trabaho ng biktima.
Sinabi ni North Cotabato PNP provincial director Senior Supt. Danilo Peralta, naganap ang insidente alas-7:45 ng umaga sa Barangay Matalam, North Cotabato.
Bago ito, sakay ang biktima sa pampasaherong multi-cab na nagmula sa Barangay Binuligan, Kidapawan City nang pagsapit sa nasabing barangay ay biglang dinikitan ng riding in tandem at saka pinagbabaril.
Tumakas ang mga suspek lulan sa isang Bajaj Kawasaki na motorsiklo patungo sa bayan ng Kabacan.
The post Maguindanao election officer tinodas appeared first on Remate.