ISANG 36-anyos na Indonesian domestic helper na nanggaling sa Shenzen, mainland China at bumili, kumatay at kumain ng manok doon ang ngayon ay nasa kritikal na kondisyon sanhi ng bird flu.
Ayon sa mga eksperto, patunay ito ng nakababahalang pagkalat ng virus kahit sa labas na ng border ng mainland China.
Inihayag ni Hong Kong’s Food and Health Secretary Dr. Ko Wing-man na apat pang tao na nagkaroon ng close contact sa biktima ang nagpapakita na rin ng flu-like symptoms.
Nagkataon namang ang anunsyo ng Hong Kong ay nasabay sa ika-10 anibersaryo ng pagkalat ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na kumitil ng halos 300 sa naturang lungsod.
The post Unang kaso ng H7N9 bird flu, naitala sa Hong Kong appeared first on Remate.