SWAK sa kulungan ang dalawang big-time drug pusher matapos madakip ng awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Iloilo at nakumpiska ang mahigit P.7 milyon halaga ng shabu nitong nakalipas na Disyembre 2, 2013.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Orlando Prado, 38, La Paz, Iloilo City at Michael Capero, 24, ng Iloilo City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 87.6785 gramo ng shabu na may market value na P745,267.25.
Ayon sa PDEA, alas-5:50 ng hapon, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 6 laban sa dalawa matapos pumayag sa bentahan ng droga sa isang undercover agent ng PDEA.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 18 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at marked money na ginamit sa isang buy-bust operation.
The post Big-time shabu dealer nalambat sa Iloilo appeared first on Remate.