KALABOSO ang isang menor de edad nang masukol ng mga barangay tanod matapos mahuling nambasag ng kotse at tangayin ang ilang mamahaling gamit sa loob nito sa Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ang suspek na si Reynaldo, 17, ng 1581 Tindaco St, Tondo, Manila.
Habang nakatakas naman ang dalawa pang kasabwat nito na sina alyas Teytey dela Cruz at John Allen Orbigo , pawang ng Brgy. 254, Zone 23.
Sa reklamo ng complainant na si Moiselito Libiran, 58, ng 1857 Yakal St., Tayuman, Maynila, alas-8 ng umaga nang madiskubreng basag na ang harapang salamin ng kanyang silver na Starex van (WPJ 995).
Isang barangay tanod na nakilalang si Robert John Torios ang nagsabing nahuli nila ang isa sa suspek at nasa pangangalaga ng kanilang barangay.
Ayon sa tanod, napansin nito ang mga suspek na binasag ang salamin ng kotse ni Libiran at ibinaba ang mga gamit na nasa loob nito kabilang ang Caido Car Amplifier, pioneer CD Charger at Kelvinator 12 volts refrigerator.
The post Bagets na basag-kotse kalaboso appeared first on Remate.