INAALAM na kung paghihiganti ang dahilan upang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang batikang magnanakaw na alyas Lupin sa Caloocan City, kagabi, Disyembre 3.
Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilala lang sa pangalang Andrew, alyas Lupin at walang tiyak na tirahan.
Sa ulat, alas-11:20 kagabi, naglalakad ang biktima sa Phase 9, Bagong Silang nang pagbabarilin ng suspek bago tumakas habang dinala naman ang una sa JRH.
Nabatid na batikan na magnanakaw ang biktima kung kaya nabansagang Lupin na magaling na magnanakaw sa isang cartoon series.
Inaalam na ng mga pulis kung paghihiganti ang motibo sa nasabing insidente dahil na rin sa dami ng nabiktima ng suspek na naging dahilan upang kalusin na.
The post Lupin, patay sa mga bala sa Caloocan appeared first on Remate.