AABOT sa P.2 milyon halaga ng cash at alahas ang natangay ng hinihinalang miyembro ng “Dugo-Dugo Gang” mula sa 18-anyos na estudyanteng babae makaraang mapaniwala na naaksidente ang kanyang tiyahin kagabi sa Pasay City.
Kinilala ni Pasay City police chief of investigator Chief Insp. Joey Goforth ang biktima na si Jan Veda Marie Pajarillo, ng 3919 A. Macabulos St., Barangay Bangkal, Makati City.
Sa pahayag ni Pajarillo, tumawag sa kanilang bahay alas-8 ng gabi ang isang babae at sinabing naaksidente ang kanyang tiyahing si Maria Teresa Dungca at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa isang pagamutan.
Nangangailangan umano ng malaking halagang pambayad sa ospital ang kanyang tiyahin at ipinakukuha ang salapi at alahas sa loob ng kanilang cabinet.
Inatasan ng suspek ang biktima na magkita sila sa harapan ng SM Mall of Asia Circle kung saan ibinigay niya sa suspek ang dala niyang shoulder bag na naglalaman ng P250,000 cash, 25,000 halaga ng mga alahas at bank passbook na nasa pangalan ni Christian Miguel Dungca.
Nang makauwi sa kanilang bahay ang biktima, nagulat siya nang datnan ang tiyahin na hindi naman nasangkot sa aksidente.
Sinabi ng biktima sa pulisya na makikilala niyang muli ang suspek kapag muli niya itong nakita. Ang suspek ayon sa biktima ay tinatayang may taas na 5’2, may mga taghiyawat sa mukha at nakasuot ng hapit na t-shirt at kulay asul na jeans.
The post Dugo-dugo gang, nambiktima sa Pasay appeared first on Remate.