Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

DOE inakusahang nakikipagsabwatan sa oil companies

$
0
0

INAKUSAHAN ng transport group na Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) ang Department of Energy ng pakikipagsabwatan sa mga oil company na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Efren de Luna, national president ng ACTO, bukod sa pakikipagsabwatan ng DoE sa mga oil company para itaas ang presyo nito, mistulang spokesman din ito ng mga oil company.

Sa isang interbyu, sinabi ni De Luna na dapat na ibalik ang Independent Oil Private Review Committee (IOPR) na pinamunuan ni dating Budget and Management Secretary Ben Diokno, na nag-iimbestiga sa mga oil company.

Idiniin ni De Luna ang ginawa nilang kilos protesta kahapon sa harap ng mga kumpanya ng langis ay pasimula pa lamang ng kanilang lingo-linggong protesta patungo sa isang nationwide transport holiday.

Nagbanta rin ang transport group na maglulunsad ng kilos protesta at martsa patungo sa head office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang pwersahin ang liderato nito na ibigay  ang P2.00 fare hike na kanilang hinihingi dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng petroleum product lalo na ang diesel.

Nauna nang sinabi ni De Luna na hirap na hirap at nagdurugo na sila kung kayat napilitan silang magsagawa ng protesta at humingi ng P2.00 fare hike.

Ayon pa kay De Luna, hindi lang oil hikes ang isyu ngayon kundi pati na rin ang napipintong pagtaas ng kuryente kung saan aabot sa P3.00 kada kilowatt hour ang itataas.

The post DOE inakusahang nakikipagsabwatan sa oil companies appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>