HINDI na nagising ang isang lalaki sa kanyang pagkakatulog nang pagbabarilin ng armadong lalaki sa Tinambac, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Vicente Alio, 62, ng Pantat Tinambac, Camarines Sur.
Batay sa impormasyon, mahimbing na natutulog ang biktima ng pasukin ng suspek na si Tani Madera, kasama ang hindi kilalang mga kalalakihan.
Sa hindi malamang dahilan bigla na lamang pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Sa ngayon pinaghahanap na ng awtoridad ang nabanggit na suspek at ang kanyang mga kasamahan.
The post Kelot na natutulog, tigok sa boga sa CamSur appeared first on Remate.