INUGA ng magnitude 4.4 na lindol ang timog na bahagi ng South Ubian sa Tawi-Tawi.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang lindol kaninang alas-2:06 ng madaling-araw, naitala ang lindol sa layong 337 kilometro at may lalim na 549 kilometers.
Ayon sa Phivolcs, tectonic in origin ang dahilan ng nasabing pagyanig.
Maliban dito, naitala rin ang pagyanig ng magnitude 2.6 na lindol alas-4:46 ng madaling-araw sa hilagang bahagi ng Sipalay, Negros Occidental sa layong 32 kilometers at may lalim na 26 kilometers.
The post Magnitude 4.4 na lindol umuga sa South Ubian, Tawi-Tawi appeared first on Remate.