NAGBIGTI ang isang cameraman ng kilalang TV network sa loob ng boarding house ng kanyang nobya sa Alfonso Tabora, Baguio City.
Sa ulat ng awtoriad, kinilala ang biktima na si Eugene Flores, ng Fairview, Baguio City at empleyado ng GMA-Dagupan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ginamit sa pagbigti ni Flores ang isang dirty white na pajama na itinali sa ikalawang deck ng kama sa silid ng girlfriend.
Pinaniniwalaang nagpakamatay ito matapos silang mag-away ng kasintahan.
The post Cameraman ng GMA-7 nagpatiwakal appeared first on Remate.