Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Guro binoga ng riding-in-tandem sa Zambo kritikal

$
0
0

NASA kritikal na kalagayan ngayon ang isang babaeng guro ng Ateneo de Zamboanga University (ADZU) matapos pagbabarilin ng riding-in tandem sa Barangay Tetuan sa Zamboanga City.

Sa ulat ni C/Insp. Elmer Acuna, hepe ng Tetuan police station 6, kinilala nito ang biktima na si Ma. Victoria Montano.

Nabatid sa ulat na pauwi na ang biktima kagabi galing sa kanyang trabaho sa nasabing unibersidad at papasok na sana ang minamaneho niyang sasakyan sa kanyang bahay sa loob ng isang subdivision sa lugar nang barilin ng suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Tinamaan ng bala sa dibdib at sa iba pang parte ng katawan ang biktima na ngayon ay nilalapatan ng lunas sa ospital.

Nakakuha ang mga pulis ang walong basyo ng bala ng caliber .45 pistol sa lugar ng insidente.

Sa ngayon, blangko pa rin ang mga awtoridad kung sino ang responsable sa nabanggit na insidente.

Maliban dito, sunud-sunod na insidente ng pamamaril ang nangyayari sa iba’t ibang mga lugar sa Zamboanga City na ang mga suspek ay mga riding-in-tandem.

Ilan sa mga ito ay napag-alamang nanggagaling pa sa mga karatig na lalawigan at dumadayo sa lungsod.

The post Guro binoga ng riding-in-tandem sa Zambo kritikal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129