Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Holdaper na umalma sa aresto, kalaboso

$
0
0

NAARESTO na ng awtoridad ang isa sa tatlong mga holdaper na nakipagbarilan sa mga rumespondeng tauhan ng pulisya matapos mahagip ng bala sa kaliwang hita kagabi sa Pasay City.

Kaagad isinugod sa Pasay City General Hospital si Arenol Husay, tubong Marawi City at pansamantalang nanunuluyan sa  E. Rodriguez St., Muslim Compound, Parañaque City habang nakatakas naman ang dalawa niyang kasama na nakilala lamang sa mga pangalan Jaimal Sultan at isang alyas Moctar.

Sa pahayag nina PO1 Ariel Domingo at PO1 Andrew Nicolas ng Police Community Precinct (PCP) 6 kay PO3 Rodolfo Suquina, Jr., may hawak ng kaso, nagpapatrulya sila sa Don Carlos Village alas-11:20 ng gabi nang lapitan sila ni Jesus Berber, 52, barangay tanod ng Barangay 190 upang ipabatid ang kahina-hinalang kilos ng tatlong armadong suspek sa Bagong Cuneta St.

Sakay ng kanilang motorsiklo, kaagad nagtungo ang dalawang bagitong pulis sa naturang lugar subalit bago pa man sila makababa ng motorsiklo ay nakita na sila ng mga suspek na kaagad bumunot ng kani-kanilang baril at pinaputukan ang mga pulis.

Masuwerte namang hindi tinamaan ang dalawa na kaagad ding bumunot ng kanilang armas at nakipagpalitan ng putok sa tatlo hanggang mahagip sa kaliwang hita si Husay.

Nang bumagsak ang duguang suspek, kaagad tumakas ang dalawa niyang kasama, bitbit ang kanilang armas.

Nakuha naman ng pulisya kay Husay ang isang kalibre .38 paltik na may laman pang bala bago isinugod sa pagamutan.

Dalawang bilang ng kasong attempted homicide at illegal possession of firearms and ammunition ang isasampa ng pulisya sa Pasay City Prosecutors Office laban kay Husay at sa dalawa niyang kasama.

The post Holdaper na umalma sa aresto, kalaboso appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>