IBINALING ng isang lalaki ang kanyang galit sa babaeng buntis na kinakasama ng kanyang nakaaway sa inuman sa Camarines Norte.
Hinahanting na ng pulisya para panagutin sa krimen ang suspek na si Angel Odon, 36, ng Mercedes, Camarines Norte.
Sa kabutihang palad, nagpapagaling na lamang sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Crisante Borabo, 34, nang tamaan ng bala sa ibaba ng tiyan.
Naganap ang insidente nitong Martes ng alas-11:45 ng gabi sa mismong kuwarto ng biktima.
Bago ito, nag-iinuman ang suspek at ang kinakasama ng biktima na si Sonny Leonora sa bahay ng kanilang kakilala.
Pero nang makarami na sa pag-inom ng alak, biglang nagtalo ang dalawa na humantong sa murahan.
Nang maawat, umalis ang suspek na dala ang kanyang baril na lingid sa kaalaman ni Leonora ay nagtungo pala sa kanilang bahay.
Ayon sa mga nakakita, sumilip muna sa bintana ang suspek at nang makita ang nakahigang si Crisanta ay saka iyon pinaputukan.
The post Buntis, binoga ng kaaway ng kinakasama appeared first on Remate.