DAHIL sa lakas ng buhos ng ulan, ibinabala ngayon ang pagkakaroon ng flash floods at landslides sa Aurora at Quezon provinces.
Ayon sa PAGASA forecaster na si Alvin Pura, ang nasabing pag-ulan ay ekstensiyon ng low-pressure area na patuloy na nakaaapekto sa ilang parte ng Mindanao, pero hindi naman aniya papasok sa Philippine area of responsibility.
“Nakapagtala tayo ng malakas na pag-ulan sa Aurora area dahil yan sa northeast monsoon na nagsanib sa easterlies,” ani Pura.
Ang nakitang LPA naman ay nakita malapit sa Borneo at nakaaapekto pa rin sa ilang parte ng Davao.
Kasunod nito, nilinaw naman ni Pura na lumiliit ang tsansa na tataman ng bagyo ang bansa ngayong buwan.
“Lumiliit ang chance na magkaroon ng bagyo pero di natin inaalis ang posibilidad.”
The post Aurora, Quezon inuulan, flashfloods, landslides ibinabala appeared first on Remate.