UPDATE: MINASAKER kaninang umaga ang isang mag-asawa at kanilang anak na babae na anim na buwan na buntis ng dating kinakasama ng huli sa Barangay San Roque, Navotas City.
Dead on spot sa pinangyarihan ng krimen sina Cecilio Denullang, 55, dating traffic enforcer ng lungsod, misis na si Rosa Leticia Denullang at anak na buntis na si Jocelyn, 18, pawang ng 75 Interior Everlasting St., San Roque sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre 45 at 9 mm caliber pistol sa ulo at sa ibang bahagi ng katawan.
Nagpalabas ng manhunt operation si Sr. Supt. Conrado Gongon laban sa tumakas na suspek na nakilala lamang sa alyas na Jeje, dating kinakasama ni Jocelyn.
Sa imbestigasyon, alas 7:30 kaninanag umaga nang maganap ang masaker sa loob ng bahay ng mga biktima sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nagalit ang suspek nang malamang may ibang lalaki na si Jocelyn.
Bago ang pamamaril ay sapilitang pinaghiwalay ng ama ang dalawa at nang binalikan ng suspek ang bahay ng mga biktima ay pinagtatalakan pa siya ng ina ni Jocelyn kaya agad nagbunot ng baril at pinagbabaril ang mga biktima.
Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of Crime Operatives ng empty shells ng caliber 45 at 9mm. na ginamit sa krimen.
The post Mag-anak minasaker ng tinalakan na ‘manugang’ appeared first on Remate.