Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 bus nagsuwagan sa Olongapo, 55 sugatan

$
0
0

SUGATAN ang may 55 pasahero nang magsuwagan ang dalawang Victory Liner bus sa Olongapo City, kaninang umaga, Disyembre 15.

Sinabi ng Traffic Enforcement Division ng Olongapo City Police Offic na si SPO4 Rolando Javier, nagtamo ng iba’t ibang sugat ang mga pasahero ng dalawang bus.

Sangkot sa insidente ang isang ordinary Victory lines bus (CXG-108) na minamaneho ni Jerome Faustino, 25, tubong-Linasin, San Marcelino Zambales at ang air conditioned bus (CXB-4810 na minamaneho naman ni Emilio Ocampo, taga-Plaza Burgos, Guagua Pampanga.

Batay sa ulat, naganap ang insidente alas-8:45 ng umaga kanina sa pakurbadang bahagi ng national highway sa Purok 12 Barangay Old Cabalan, Olongapo City.

Ayon sa naksaksi, bago ang insidente ay nag-overtake ang air conditioned bus pero dahil basa ang kalsda sanhi ng pag-ulan ay nawalan  ng kontrol sa pagmamaneho ang tsuper nito.

Hindi na nito nabawi pa ang manibela kaya sinuwag ang naturang ordinary bus.

Sa ngayon ay marami pa ring biktima ang inoobserbahan sa ospital.

The post 2 bus nagsuwagan sa Olongapo, 55 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>