PATAY ang isang bading nang barilin sa batok habang bumibili ng masking tape kaninang madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ang biktimang si Allan Soriano, tubong Davao City at stay-in sa kanyang parlor sa 1242 Lardizabal St., Sampaloc, Maynila.
Inaalam naman ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na nasa edad 25-30, katamtaman ang pangangatawan, nasa 5’5-5’7 ang taas, at armado ng di pa tukoy na kalibre ng baril.
Sa report, ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng 300 F. Jhocson St., malapit sa Lardizabal St., Sampaloc.
Nauna rito, lumabas ng bahay ang biktima na nakasuot pambabae upang bumili ng masking tape sa kalapit na “Pamn Store” nang sumulpot ang suspek sa kanyang likuran at malapitang binaril sa batok ang biktima.
Inaalam na ang motibo sa krimen.
The post Bading binaril sa batok todas appeared first on Remate.