Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Laklakera sinaksak ng kutsilyo sa bunganga ng ka-live-in

$
0
0

NAKASALAKSAK pa sa bunganga ng 23-anyos na babae ang kutsilyo na ginamit ng kanyang live-in partner sa pagpatay sa kanya nang abutan ng pulisya kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Kimberly Hernandez, live-in partner ng naarestong suspek na si Dennis Ryan Pangan, 24, service crew ng Jollibee sa Recto, Maynila, at mga residente ng 2118 F. Almeda St., Tondo, Maynila.

Sa report, alas-12:40 ng madaling-araw nang madiskubreng patay na ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay.

Nauna rito, nakipag-inuman ang biktima sa mga kaibigang sina Daniela at Renzo alas-9:00 kagabi hanggang alas-12:00 ng madaling-araw sa isang bakanteng lote malapit sa kanilang bahay at nang matapos ay nauna na ang biktimang umuwi upang makapagpahinga.

Ganap na alas-12:40 ay sumunod naman sina Daniela at Renzo sa bahay ng biktima upang isauli naman ang ginamit nilang DVD player at speaker.

Pagbukas ni Daniela sa ilaw  ay bumulagta sa kanila ang patay nang biktima na may nakasalaksak na kutsilyo sa bunganga.

Agad na humingi ng tulong si Daniela sa barangay na inireport naman sa MPD-Jose Abad santos Police Station-7.

Naaresto naman ang suspek nang makitang nagtatakbo ng mga barangay tanod sa kahabaan ng Ipil St. sa Tondo na may dalang backpack.

Ayon sa pulisya, posibleng selos ang dahilan ng pagpaslang ng suspek sa kanyang  ka-live-in dahil madalas itong nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa tuwing nasa trabaho ito.

Nakakulong na sa MPD-headquarters ang suspek.

The post Laklakera sinaksak ng kutsilyo sa bunganga ng ka-live-in appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>