NAUWI sa kamatayan ang asaran ng magkaibigan nang barilin at mapatay ng isang miyembro ng Bahala na Gang ang 29-anyos na kapitbahay kagabi sa Sta. Ana, Maynila.
Idineklarang dead on arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktima na si Mario Cruz, ng 2330 Pasigline St., Sta. Ana, Maynila.
Nakatakas naman ang suspek na si Mario Calub, 32, miyembro ng BNG at residente ng 2321, nasabing lugar.
Nabatid na alas-10:40 kagabi nang maganap ang insidente matapos magbiruan at magkaasaran ang dalawa.
Nang mapikon ang suspek ay umalis ito sandali ngunit nagbanta sa biktima na babalik.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang suspek na armado ng .38 kalibre ng baril at binaril ang biktima.
The post Bully todas sa napikon na kapitbahay appeared first on Remate.