BAGSAK sa paunang inspeksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang may 22 bus ng Don Mariano Transit.
Ito’y kabilang sa inisyal na 30 sinuri sa 78 bus ng kumpanya na sinuspinde dahil sa aksidente sa Skyway na ikinamatay ng 18.
Sa paunang pagsusuri, sinabi ni Josie Tataro, transportation development officer II ng LTFRB, 22 bus na ng Don Mariano ang bumagsak at hindi masasabing road worthy.
Kinakitaan ang karamihan sa mga ito ng mga kalbong gulong, sirang ilaw at wiper at dispalinghadong signal lights.
Bukod sa pagsusuri sa bus, isasalang din sa seminar ang mga tsuper nito bago payagang bumiyahe oras na makakuha ng clearance o certification mula sa dalawang ahensya.
Sa ngayon ay bawal bumiyahe ang lahat ng bus ng Don Mariano Transit.
The post 22 bus ng Don Mariano Transit bagsak sa inspeksiyon appeared first on Remate.