INILAGAY sa alert status ang lahat ng istasyon at outpost ng pulisya sa Negros Occidental matapos ang sunud-sunod na pananalakay ng New People’s Army (NPA) sa mga police unit sa Mindanao.
Nabatid na nakakuha ng mga matataas na uri ng armas ang mga rebelde makaraang sumalakay ang mga ito sa istasyon ng pulisya sa bayan ng Kibawe sa Bukidnon at sa bayan ng Don Victoriano Chiongbian sa Misamis Occidental.
Dahil dito, pinaalalahanan ni Negros Occidental Police Provincial Director, Sr. Supt. Milko Lirazan ang lahat ng mga hepe ng pulisya na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga posibleng maging target ng NPA partikular ang mga instalasyon ng pamahalaan.
The post Negros nasa alert status vs NPA appeared first on Remate.