ISANG ginang ang namatay habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang mister makaraang pagbabarilin ng kanilang kapitbahay sa Imus City, Cavite.
Inoobserbahan pa sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Arnel Sunege, habang agad na namatay si Winnie Sunege, 30, kapwa ng Tahimik St. Bagong-Anyo, Toclong 1-A, Imus City.
Nakilala naman pero nakatakas ang suspek na si Juancho Lacson, nakatira rin sa naturang barangay.
Pinagbabaril ng suspek ang dalawa habang nasa labas ng kanilang bahay na agad ikinamatay ng babae habang sa kabila ng mga tama ng bala sa katawan ay nagawang makatakbo si Arnel.
Tiyempo namang paraan ang isang mobile patrol kaya agad niya itong hinarang upang humingi ng tulong na agad nagdala sa kanya sa ospital.
Nagsasagawa na ng follow-up ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng suspek at inaalam na rin ang motibo rito.
The post Misis dedo, mister grabe sa kapitbahay appeared first on Remate.