SA kabila ng malagim na Skyway tragedy na ikinamatay ng 22 katao nitong nakaraang Lunes, hindi natinag at bagkus ilan sa bus drivers ang patuloy na rumaragasa ang takbo sa kanilang ruta sa Metro Manila, ayon sa ulat kaninang umaga, Disyembre 18.
Ayon sa ilang concerned citizen, karamihan sa mga tumatakbong bus sa Commonwealth Avenue na tinaguriang killer highway ay dinededma ang 60kph speed limit, at tumakbo nang singtulin ng 100kph, kaninang madaling-araw.
Ilan sa mga binansagang demonyo at rumaragasang bus ay may biyaheng Quiapo-Lawton at Fairview-Baclaran, ayon pa sa ulat.
Nagsisimulang magwala ang mga bus sa may bahagi ng Commonwealth Avenue sa pagitan ng Sandiganbayan at Philcoa areas.
Ang mas nakaiinis pa, wala kang mamataang mga law enforcer o traffic aide sa lugar bago mag alas-5 ng umaga, ayon pa sa ulat.
Ang Commonwealth Avenue ay tinawag na killer highway dahil sa mataas na bilang ng road accidents doon.
Nabanggit sa ulat na ang pagragasa ng mga bus sa killer highway ay hindi naputol kahit pa nahulog ang isang Don Mariano bus sa Skyway at bumagsak pa sa isang nagdaan na van sa ibaba ng service road.
The post Barubal na takbo ng mga bus sa NCR, tuloy pa rin appeared first on Remate.