HALOS isang linggo bago ang Kapaskuhan, sinelyuhan na agad kaninang umaga, Disyembre 19 ang mga baril ng Quezon City Police District personnels.
Nilinaw naman agad ni QCPD Director Richard Albano, na maaari pa rin namang iputok o gamitin ng kanyang mga tauhan ang naselyuhang mga baril basta para lamang sa lehitimong operasyon o sa mga pagkakataong dapat talaga itong gamitin.
Ang pagseselyo ng mga nguso ng baril ay para matiyak na hindi masasangkot sa indiscriminate firing ang mga tauhan ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Sakali anyang may iniulat na iligal na magpaputok ng baril ay sisibakin agad ito sa serbisyo at sasampahan pa ng kasong kriminal.
The post Baril ng QCPD personnels, sinelyuhan na appeared first on Remate.