SA kabila ng hindi pa magandang lagay ng kondisyon ng katawan, isinailalim na agad sa drug test si Carmelo Calatcat, ang drayber ng Don Mariano bus transit na nahulog sa Skyway Parañaque area kamakailan.
Saksi ang ilan sa mga kaanak at awtoridad, inilatag ang pagsasagawa ng proseso upang matiyak na naiingatan ang mga karapatan ng naturang driver.
Ginawa ang drug test upang alamin kung nagkaroon ito ng drug intake bago nangyari ang aksidente.
Umapela naman ang kinakasama ni Calatcat na si Ladelyn Mondalanget, na huwag munang husgahan ang kanyang live in partner sa kabila ng pagkasawi ng 18 katao at pagkasugat ng halos 20 iba pa.
Marami ang naglabasang kuro-kuro na kaya nangyari ang malagim na aksidente ay dahil mabilis ang pagpapatakbo ni Calatcat, o nakatulog ito sa pagmamaneho at maraming pang iba.
Pero aminado naman si Mondalanget na may dalawang araw nang walang tulog ang kanyang mister dahil sa kakulangan ng mga tsuper na bibiyahe.
The post Driver ng Don Mariano bus, isinalang sa drug test appeared first on Remate.