TIGBAK sa malagim na aksidente ang isang ginang habang sugatan naman ang kanyang dalawang anak nang araruhin ng trak ang waiting shed na kanilang kinatatayuan sa Quezon City kaninang umaga, Disyembre 20.
Nalagutan ng hininga bago pa maialis sa ilalim ng trak ang biktimang si Raquel Mancia, 28, habang sugatan naman ang dalawang anak nito na ang isa ay sanggol pa lamang at 3-anyos na batang lalaki.
Nasa kustodiya na ng QC traffic sector 3 at nakatkadang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at 2 counts ng serious physical injuries ang drayber ng trak na si Ruber Paraiso, 59.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-8:15 ng umaga sa isang waiting shed sa Commonwealth Avenue sa North Fairview, QC.
Bago ito, hinatid ng naturang mag-iina sa waiting shed ang kanilang ama ng tahanan na papasok sa trabaho.
Pero patawid pa lamang ang mag-iina mula sa tapat ng nasabing waiting shed nang suwagin ng trak na minamaneho ni Paraiso.
Depensa naman ni Paraiso, biglang nawalan ng preno ang kanyang sasakyan at imbes ikabig ang manibela sa maraming sasakyan ay mas pinili niyang banggain ang nasabing waiting shed.
Ayon sa kaanak ng biktima, ito ang kauna-unahang pagkakataon na hinatid ni Mancia ang kanyang asawa.
The post Mag-iina inararo ng trak sa waiting shed, 1 tigbak appeared first on Remate.