INUGA ng 3.5 magnitude na lindol ang Davao Oriental at Tagbilaran City kaninang madaling-araw, Disyembre 21, 2013, Sabado.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang pagyanig sa silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental kaninang 12:06 ng madaling-araw.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 065 kilometro.
Kaugnay nito, naramdaman naman ang 3.1 magnitude na lindol sa silangan ng Tagbilaran City, alas-12:22 ng madaling-araw.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 001 kilometro.
Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa magkasunod na lindol.
The post Davao Oriental, Tagbilaran City nilindol appeared first on Remate.