KUNG hindi sana depektibo ang closed-circuit television camera (CCTV) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), mas mapapadali ang pagkilala sa pumatay kay Labangan Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa at kanyang misis nitong nakaraang Biyernes ng umaga sa mismong arrival area ng pangunahing paliparan ng bansa.
Sa kamalasan, nabatid na ang lahat ng nakalatag na CCTV sa NAIA terminal 3 ay pawang gumagana maliban na lamang sa mismong pinangyarihan ng pang-aambus kay Talumpa, sa misis nitong si Leah at ang pamangkin na si Salipudin Talumpa.
Sa kamalasan pa, napatay rin ang 18 buwan na sanggol na si Phil Tomas Lirasan habang apat pang katao ang sugatan.
Nagkataon lang kaya o may nagsasabing maaari rin na sinadyang hindi ipagawa o kundi man sa dalawa ay mas malala kung may access ang mastermind sa loob mismo ng NAIA terminal 3 kaya nalaman na depektibo ang CCTV at maaaring ambusin sa oras na iyon si Talumpan.
Ang mas nakaiinis pa rito, napatay na ang mag-asawang Talumpa, nakatakas pa nang walang kahirap-hirap ang motorcycle-in- tandem na sumiksik sa mga sasakyang naipit sa trapiko.
Kaya ngayon, ang imbestigasyon ng awtoridad ay uusad sa mano-mano na pamamaraan.
The post CCTV sa NAIA arrival area, depektibo appeared first on Remate.