Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pamilyang nadamay sa NAIA 3 ambush, walang ayuda

$
0
0

HINDI makatatanggap ng anomang ayuda ang pamilya na nadamay sa pananambang at nakapatay kay Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa at tatlong iba pa sa NAIA terminal 3 nitong Biyernes.

Ayon sa kaanak ng mga biktima, batay sa kanilang mga kaanak sa Manila na nangangalaga sa mga naospital na biktima, wala silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno o sa namamahala ng airport.

Ang naiwang mga kaanak sa Brgy. Mansilingan, Bacolod City ay siya pang naghahanap ng makukuhanan ng pera upang maipadala sa Manila para sa pagpapaopera at pagpapagamot sa mga biktima.

Sinasabi ng pamilya Lirazan na ginawang “human shield” ang mga biktima dahilan ng kanilang pagkakadamay sa ambush.

Sinasabing nang paulanan ng bala ang mag-asawang Talumpa, tumakbo ang asawa ng alkalde sa likod ng mga Lirazan at ginawang kalasag ang mga ito.

Napag-alamang namatay ang 18-anyos na si Phil Thomas Lirazan-Estoesta habang inoperahan naman dahil sa blood clot sa ulo matapos madaplisan ng bala si Diane Philip Lirazan-Uy, tatlong taong gulang; inoperahan naman matapos matamaan ng bala sa likod si Amalia Lirazan, lola ng mga biktima, at isinimento ang braso ni Marie Ann Lirazan, ina ng namatay na bata.

Ang pamilya Lirazan ay nagpunta ng Maynila upang magbakasyon at magdiwang ng Pasko.

The post Pamilyang nadamay sa NAIA 3 ambush, walang ayuda appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>