Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pilipinas makararanas ng bahagyang pag-ulan

$
0
0

MAKARARANAS ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa epekto ng Northeast monsoon.

Ayon sa ulat ng PAGASA, magdadala ito ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Cagayan Valley, Kabikulan at ang mga lalawigan ng Aurora, Quezon at Palawan.

Ang mga rehiyon naman ng Ilocos at Cordillera ay makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Sa ngayon, wala pa ring inaasahang bagyo o sama ng panahon na mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw.

The post Pilipinas makararanas ng bahagyang pag-ulan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129