TODAS ang isang real state agent matapos barilin nang malapitan sa harap ng tatlong anak habang ang una ay hinahanap ang kanyang asawa kaninang madaling-araw, Disyembre 25 sa Brgy. Catmon Malabon City.
Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center si Anthony Ounancial, real state agent, ng 141 Hernandez St., nasabing barangay sanhi ng isang tama ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin dala ang ginamit na baril.
Ayon sa ulat, alas-5 kaninang umaga, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang tatlong anak sa kahabaan ng Hernandez St., nang palihim na lapitan ng suspek saka binaril sa ulo.
Bago maganap ang insidente, nabatid na nilayasan ang biktima ng kanyang misis na si Mercedina matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Inaalam pa ang motibo sa krimen.
The post Real state agent, inutas sa harap ng 3 anak appeared first on Remate.